Magtipid sa pera at gastos sa inyong mga operasyon, bawasan ang nasasayang na enerhiya, at ibaba ang epekto ng inyong gusali sa kapaligiran.
Tumawag sa Hotline para sa Enerhiya ng SF Environment sa (415) 355-3769 para sa impormasyon tungkol sa mga pinansiyal na panghikayat para sa pagtitipid sa enerhiya at pagpapalit tungo sa enerhiyang hindi nauubos ang pinagkukunan (renewable), mga opsiyon para sa pagbabayad, at mga itinatakda.
Mga Panghikayat
- SF Energy Watch - komersiyal at multi-family, pagtitipid sa enerhiya
- Programa para sa mga Gusaling Multifamily ng Energy Upgrade California - komersiyal at multifamily, pagtitipid sa enerhiya
- Enerhiyang Nagmumula sa Araw (Solar Energy) - komersiyal at multifamily, enerhiyang renewable
Mga Itinatakda
- Mga Kasalukuyang Ipinatutupad na Ordinansa para sa Mga Gusaling Pangnegosyo
- Ordinansa para sa Paggamit ng Ilaw sa mga Negosyo
Bakit Tayo Nagtitipid ng Enerhiya?
Tinutugunan ng San Francisco ang hamon ng pagbabago ng klima sa pamamagitan ng mga nangungunang polisiya, programa at pakikipagbalikatan, na pawang dinisenyo para maging mas madali at abot-kaya ang pagtitipid sa enerhiya at paggamit ng enerhiyang hindi nauubos ang pinagkukunan. Dahil sa mga isinagawang aksiyon para magkaroon ng mga kagamitang matipid sa enerhiya at mas mabuti para sa kapaligiran, nagiging mas malinis, malusog, at ligtas na lungsod ang San Francisco.