Ang Komisyon sa Kapaligiran (Commission on the Environment) ang nagtatakda ng polisiya para sa Kagawaran ng Kapaligiran (Department of the Environment) at nagpapayo sa mayor at sa Lupon ng mga Superbisor) hinggil sa mga mga bagay na may kaugnayan sa kapaligiran. Hinirang ng mayor ang komisyong ito na may pitong miyembro, at ito ang siyang gumagawa ng mga polisiya at programa sa pagre-recycle o paggamit muli sa mga naitapon na, pagbabawas sa pagkakaroon ng mga nakalalasong bagay, katarungang pangkapaligiran, pagtitipid sa enerhiya, mga alternatibong transportasyon, pagbabago ng klima, at mga kakahuyan sa lungsod.
Mga Susunod na Miting
Nagmimiting ang komisyon tuwing 5:00 PM sa ika-4 na Martes kada makalawang buwan (Enero, Marso, Mayo, Hulyo, Setyembre, at Nobyembre) sa City Hall, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, Room 416, maliban na lamang kapag may ibang pasabi. Bukas sa publiko ang lahat ng miting.
Ang Commission's Policy Committee (Komite sa Polisiya ng Komisyon) ay nagpupulong sa ikalawang Lunes ng bawat buwan maliban sa Oktubre. Ang pagpupulong sa Oktubre ay sa ikaapat na Lunes ng 5 p.m. sa City Hall, Room 421, 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, San Francisco, CA 94102.
Ang Commission's Operations Committee (Komite sa mga Operasyon ng Komisyon) ay nagpupulong sa ikatlong Miyerkulas ng Enero, Abril, Hulyo at Oktubro, 5 p.m. sa City Hall, Room 421, 1 Dr Carlton B Goodlett Place, San Francisco, CA 94102.
- Iskedyul ng Taunang Miting (nasa Ingles)
- Impormasyon tungkol sa pagsasalin sa ibang wika at pagkakaroon ng daraanan ng mga may kapansanan
Impormasyon Tungkol sa Pulong
Mga Pinag-usapan at Adyenda ng mga Miting
- Mga adyenda at pinag-usapan (nasa Ingles)
- Abiso (nasa Ingles)
- Mga naka-archive nang adyenda at pinag-usapan (nasa Ingles) - bago ang April 2012
Audio at Bidyo
- Mga archive ng bidyo at audio (nasa Ingles) mula sa mga miting ng Komisyon na ipinapalabas sa telebisyon (August 6, 2013 - kasalukuyan)
- Mga archive ng audio (nasa Ingles ) mula sa mga miting na hindi ipinapalabas sa telebisyon at mga miting ng mga sub-committee (June 14, 2010 - kasalukuyan)
Mga Mapagkukunan ng Impormasyon
- Taunang Ulat 2014 (PDF, nasa Ingles); Mga Nakaraang Ulat: 2013, 2012 (PDF, nasa Ingles)
- Mga Resolusyong ipinasa na ng Komisyon sa Kapaligiran (nasa Ingles)
- Mga Batas ng Komisyon (PDF, in English)
- Pahayag ng Hindi Magkakatugmang mga Gawain (Statement of Incompatible Activities, SIA) (PDF, in English)
Mga Subcommittee ng Komisyon sa Kapaligiran
- Polisiya ng Komite (in English)
- Komite sa mga Operasyon (in English)
Ang opisina ng Komisyon sa Kapaligiran ay nasa 1455 Market Street, Suite 1200, San Francisco, CA 94103. Mangyaring magdala ng identipikasyong may larawan para makapasok sa opisina.
Kontakin ang Komisyon
Para makipag-ugnay sa Komisyon sa Kapaligiran, tumawag sa front desk ng SF Environment sa (415) 355-3700. Ang opisina ng Komisyon sa Kapaligiran ay nasa 1455 Market Street, Suite 1200, San Francisco, CA 94103. Mangyaring magdala ng identipikasyong may larawan para makapasok sa opisina.
Pagsasalin sa Ibang Wika
Tulong sa Wika: Para humiling nga tagasalin para sa isang espesipiko na pag-uusapang bagay sa miting, pakikontak ang Tagapamahala ng mga Gawain ng Komisyon (Commission Affairs Manager) by phone (415-355-3709) or by email at least 48 hours in advance of the hearing.
Pagkakaroon ng mga Daraanan ng mga May Kapansanan
Nakapapasok sa City Hall ang mga taong gumagamit ng mga wheelchair o at iba pang kagamitang pantulong pagbibiyahe. May mga magagamit na rampa sa mga pasukan sa Grove, Van Ness at McAllister.
- Ang mga miting ng Komisyon sa Kapaligiran ay idinaraos sa Room 416 sa San Francisco City Hall na nasa Area ng Civic Center.
- Idinaraos ang mga miting ng mga Komite sa Room 421 sa San Francisco City Hall.
Mga opsiyon para sa magagamit na pampublikong transportasyon at paradahan:
- BART: Ang Civic Center Station na nasa United Nations Plaza at Market Street ang pinakamalapit na mapupuntahang estasyon ng BART.
- MUNI: Ang mga magagamit ng linyang MUNI lines na nagbibigay ng serbisyo sa lokasyong ito ay: #71 Haight/Noriega at ang Linyang F na papuntang Market at Van Ness at ang mga Metro Station na nasa Van Ness at Market at nasa Civic Center. Para sa mga impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng MUNI para sa mga daraanan ng may kapansanan, tumawag sa (415) 923-6142.
- Pagparada sa kalye: May mga mapaparadahan sa kalye katabi ng City Hall sa Grove Street at Van Ness Avenue at sa lugar ng Veterans Building sa 401 Van Ness Avenue katabi ng Davies Hall at ng War Memorial Complex.
Pagiging sensitibo sa mga produktong gawa sa mga kemikal: Para makatulong sa mga pagsusumikap ng Lungsod na mapagsilbihan din ang mga taong may malalalang alerdyi, sakit na bunga ng kapaligiran, pagiging sensitibo sa mahigit sa isang kemikal, o kaugnay na kapansanan, pinaaalalahanan ang lahat ng dadalo sa mga pampublikong miting na posibleng sensitibo ang iba pang magsisidalo sa iba’t ibang produktong gawa sa mga kemikal. Pakitulungan ang Lungsod na mapaglingkuran ang mga indibidwal na ito. Ang mga taong sensitibo sa mga kemikal o may kaugnay na kapansanan ay dapat tumawag sa Opisina ng Mayor para sa Mga Kapansanan sa (415) 554-6789 o sa (415) 554-6799 (TTY) para sa karagdagang impormasyon.
Mga nahihiling na serbisyo: Puwedeng makakuha ng mga sumsunod na serbisyo kapag hiniling 72 oras bago ang miting; maliban na lamang sa mga miting na ginagawa nang Lunes, kung saan 4:00 p.m. ng huling araw na may pasok, sa linggo bago ang miting, ang siyang deadline: Para sa mga tagasalin sa American sign language o sa paggamit ng reader sa miting, sistema para sa pagpapalakas ng tunog, at/o iba pang alternatibong format ng adyenda at mga pinag-usapan, pakikontak ang Tagapamahala ng mga Gawain ng Komisyon (Commission Affairs Manager) sa (415) 355-3709 para maisaayos ang mga akomodasyon. Hangga’t maaari, pagbibigyan ang mga mahuhuling kahilingan.