Lahat ng tao sa San Francisco ay kinakailangang paghiwa-hiwalayin nang wasto ang kanilang mga nare-recycle, nako-kompost at basurang itinatapon.
Kung paano mag-recycle at mag-compost sa San Francisco >
Impormasyon para sa Pagkontak
Para sa tulong sa pag-aayos ng serbisyo para sa pangongolekta ng basura at iba pang tulong, tumawag sa Recology sa 415-330-1300.
Mga Negosyo
Kung Paano Sumunod sa Ipinag-uutos
Kailangang magkaloob ang mga may-ari/tagapamahala ng:
- Mga bin (lalagyan para sa mga itinatapon) na color-coded (nalalaman kung para saan sa pamamagitan ng kulay) at may nakasulat na pinaggagamitan sa mga madaling mapuntahang lugar: asul para sa pagre-recycle, berde para sa pagko-compost; at itim para sa basura
- Kailangang magbigay ng edukasyon kung ano ang inilalagay sa bawat bin sa mga nangungupahan, empleyado, kontraktor, at janitor.
Ang mga nagtitinda ng pagkain na nagkakaloob ng mga plastik na kubyertos o ng mga lalagyan para sa nag-uuwi ng pagkain ay kailangang:
- Magkaloob ng mga bin (lalagyan para sa mga itinatapon) na color-coded (nalalaman kung para saan sa pamamagitan ng kulay) at may nakasulat na pinaggagamitan para magamit ng mga kostumer at bisita
- Ilagay ang mga bin malapit sa pangunahing labasan ng negosyo.
Mga Nagmamay-ari ng mga Apartment
Kung Paano Sumunod sa Ipinag-uutos
Kailangang magbigay ang mga may-ari/tagapamahala ng mga bin na color-coded at may nakasulat na pinaggagamitan sa mga lugar na madaling puntahan: asul para sa pagre-recycle, berde para sa pagko-compost; at itim para sa basura
Humiling ng mga apartment starter kit (mga bagay para sa pagsisimula ng paghihiwa-hiwalay ng mga itinatapon, kasama na ang mga materyales na naglalaman ng impormasyon) at mga baldeng pang-kusina mula sa Recology sa 415-330-1300.
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Impormasyon:
Papel na may mga Datos Tungkol sa Ordinansa para sa KInakailangang Gawin na Pagre-recycle at Pagko-compost - PDF (nasa Ingles)
Naghahanap ka ba ng Impormasyon Tungkol sa Pagre-recycle at Pagko-compost para sa mga Residente?