Lahat ng tao sa San Francisco ay kinakailangang paghiwa-hiwalayin nang wasto ang kanilang mga nare-recycle, nako-kompost at itinatapong basura.
Kung Paano Sumunod sa Ipinag-uutos
Ilagay ang mga ito sa tamang bin (lalagyan ng mga itinatapon).
Kung paano mag-recycle at mag-compost sa San Francisco >
Mga May-ari ng mga Gusaling Residensiyal
Mga Tip
Posibleng mapababa ninyo ang singil para sa inyong basura:
- Mag-order ng mas maliit na basurahan sa pamamagitan ng pagkontak sa Recology sa (415) 330-1300.
- Mas madalas na mag-recycle at mag-compost (mas kaunti ang ipadala sa landfill o pinagtatapunan ng basura).
Impormasyon para sa Pagkontak
Para sa tulong sa pag-aayos ng serbisyo para sa pangongolekta ng basura at iba pang tulong, tumawag sa Recology sa (415) 330-1300.
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Impormasyon:
Paano ako makakakuha ng balde para sa compost ng kusina? (nasa Ingles)
Mga Flyer para sa Pagre-recycle, Pagko-compost at Landfill (pinagtatapunan ng mga basura) - PDF (nasa Ingles)
Papel na may mga Datos tungkol sa Ordinansa para sa Kinakailangang Gawin na Pagre-recycle at Pagko-compost - PDF (nasa Ingles)
Mga Nangungupahan
Mga Tip
Posibleng mapababa ninyo ang singil para sa inyong basura:
- Kapag tumanggi ang nagmamay-ari/tagapamahala ng inuupahan na magbigay ng serbisyo para sa pagre-recycle o pagko-compost, tumawag sa SF Environment sa (415) 330-1300 para sa suporta. Makikipagtrabaho ang SF Environment sa tagapamahala /may-ari ng inyong inuupahan para maayos ang serbisyong ito.
- Para sa mga apartment, sabihin sa tagapamahala ng inyong inuupahan na humiling ng apartment starter kit (mga bagay para sa pagsisimula ng paghihiwa-hiwalay ng mga itinatapon, kasama na ang mga materyales na naglalaman ng impormasyon) at baldeng pangkusina.
Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Impormasyon :
Form para sa Pag-uulat nang Walang Pangalan - Form (nasa Ingles) Pakigamit ang form na ito kapag hindi tumugon ang inyong tagapamahala / nagmamay-ari ng inuupahan sa inyong kahilingan para sa mga serbisyo sa pagre-recycle at pagkokompost.
Mga Flyer para sa Pagre-recycle, Pagko-compost at Landfill (pinagtatapunan ng basura) - PDF (nasa Ingles)
Papel na may mga Datos tungkol sa Ordinansa para sa Kinakailangang Gawin na Pagre-recycle at Pagko-compost - PDF (nasa Ingles)
Mga Itinatakdang Pangangailangan para sa Pagre-recycle at Pagko-compost - Mga Negosyo