Makatipid, Humikayat ng Mga Customer, at Konserbahin ang Likas-Yaman
Sumali sa San Francisco Green Business Program! Hanggang $1,500 ang makukuha bilang mga prebate (mga pagbili ng mga produkto o serbisyo na direktang isasagawa ng Green Business Program) at mga rebate (mga reimbursement) para sa mga green purchase (makakalikasang pagbili) o mga upgrade sa mga negosyong makakatapos sa proseso ng pagkilala, gaya ng:
- LED na ilaw
- Mga pag-upgrade sa sistema ng bentilasyon
- Mga fixture sa tubo na tipid sa tubig
- Pagbili ng 100% renewable na enerhiya
- Compostable o reusable na lagayan ng pagkain
- Mga produkto para sa paglilinis at pag-disinfect
- Equipment na may ENERGY STAR®
- Mga produktong papel na gawa sa recycled na materyal
Pagiging Kuwalipikado
First-come first-served ang mga prebate at/o rebate para sa mga bagong kinikilalang Entry-Level o Certified na San Francisco Green Business.
Natutugunan dapat ang isa sa mga sumusunod na pamantayan:
- Wala pang $250,000/taon ang taunang kita ng negosyo/organisasyon, O
- Isang non-profit na organisasyon, o proyektong fiscally sponsored ng isang organisasyong non-profit, O
- Nasa isa sa mga sumusunod na zip code: 94102, 94103, 94108, 94109, 94110, 94112, 94115, 94116, 94118, 94121, 94122, 94124, 94127, 94130, 94134
May mga karagdagang rebate mula sa California Green Business Network para sa mga BBIPOC at LGBTQ+ na negosyo, pati mga kooperatibang pag-aari ng mga empleyado. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang SFGreenBusiness.org o magpadala ng email kay [email protected].
Mga Testimonyal
"Sumali ako sa Green Business Program dahil gusto ko ng mas malusog na kapaligiran para sa aking mga staff at kliyente.”
- Hisun Kang, Savvy Cleaners
"Itinalaga sa akin ang gawaing ito para sa aking organisasyon. Noong una, hindi ako ganoong ka-excited, pero habang tumatagal, tinanggap ko nang buo ang diwa ng pagliligtas sa kapaligiran at muling pag-isipan, muling tingnan, at muling ilatag ang mga paraan ng ating paggawa na gumagalang at kumikilala sa ating planeta."
- Rika Chambers, African American Art and Culture Complex
Checklist para sa Entry-Level
Para sa mga tanong o tulong sa pagpaparehistro, mag-email kay [email protected] o tumawag sa (415) 355-3778
Matuto Pa
Case Study: Excelsior Works
Case Study: Little Joe's Pizza