Kung kayo ay naglalakad, nagbibisikleta, gumagamit ng pampublikong transportasyon, nagka-carpool, o gumagamit ng shared mobility (may kahati sa transportasyon) (bukod sa car sharing) papasok ng trabaho sa San Francisco, kuwalipikado kayo para sa libre at garantisadong paghahatid sa bahay kung sakaling magkakaroon ng emergency.
Paano ito gumagana
- May kuwalipikado dapat na emergency
- Sumakay pauwi sa bahay gamit ang opisyal na taxi o pampublikong transportasyon
- Itabi ang inyong resibo
- Magsumite ng kahilingan para sa reimbursement (dapat matanggap ang inyong kahilingan at (mga) resibo sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng biyahe)
- Mag-reimburse nang hanggang $150
Mga alituntunin ng programa
- Mga kuwalipikadong emergency
- Mga kuwalipikadong kalahok
- Mga opsyon sa pang-emergency na transportasyon
- Mga limitasyon sa biyahe
- Mga alituntunin sa reimbursement
Mga kuwalipikadong emergency
- Karamdaman o krisis na nararanasan ninyo o ng malapit na miyembro ng pamilya
- Walang masasakyang carpool o vanpool dahil sa mga hindi inaasahang pagbabago sa iskedyul ng driver o pagkasira ng sasakyan
- Problema sa bisikleta kabilang ang flat na gulong, mekanikal na pagpalya, bandalismo, o pagnanakaw
- Kinakailangan at hindi inaasahang overtime na hindi alam ng empleyado bago magsimula ang araw ng trabaho. Kailangan ng awtorisasyon ng supervisor.
- Emergency sa bahay, gaya ng panloloob, sunog, baha, o iba pang emergency na nagaganap sa inyong bahay
Mga kuwalipikadong kalahok
Ang lahat ng empleyado ng employer na taga-San Francisco na 18 taong gulang pataas at nagko-commute papuntang trabaho sa pamamagitan ng paglalakad, pagbibisikleta, pagsakay sa pampublikong transportasyon, o paggamit ng shared mobility (maliban sa car sharing) sa mismong araw ng kuwalipikadong emergency ay kuwalipikadong magsumite ng kahilingan para sa reimbursement, kabilang na ang pagbibiyahe sa mga lokasyon sa labas ng San Francisco.
Mga opsyon sa pang-emergency na transportasyon
Sumakay sa isang opisyal na taxi o pampublikong transportasyon para sa inyong pang-emergency na sakay pauwi sa bahay. Ang mga pagsakay gamit ang Uber o Lyft ay HINDI kuwalipikado para sa reimbursement. Ang mga shared ride sa pamamagitan ng mga Transportation Network Company (TNC), gaya ng UberPool o Lyft Line, ay hindi rin kuwalipikado para sa reimbursement. I-download ang app na gusto mo para humiling ng iyong biyahe, at gawin ang iyong contactless na pagbabayad, o kung gusto mo, maaari mong bayaran nang direkta ang taxi driver.
Flywheel
YoTaxi SF
Mga limitasyon sa biyahe
- Mga personal na gawain o mga medikal na appointment na nauna nang pinlano
- Mga emergency na nangangailangan ng ambulansiya
- Biyaheng may kaugnayan sa negosyo
- Overtime na pinlano o alam na bago magsimula ang araw ng trabaho, o hindi awtorisado ng supervisor
- Mga kalamidad o mga pansibikong emergency (hal. lindol, demonstrasyon, atbp.)
- Pagkasira ng pampublikong transportasyon o pagkaantala ng serbisyo
- Transportasyon papunta sa isang doktor o ospital dahil sa isang pinsalang natamo sa trabaho (hindi puwedeng gamitin ang Pang-emergency na Paghahatid sa Bahay bilang kapalit ng legal na responsibilidad ng isang employer sa ilalim ng mga regulasyon sa bayad-pinsala ng mga manggagawa)
- Pagpunta sa ibang lokasyon (side trip) na hindi nauugnay sa emergency bago umuwi sa bahay
- Mga biyahe gamit ang mga TNC (hal. Uber/Lyft)
Mga alituntunin sa reimbursement
Para sa mga biyahe gamit ang opisyal na taxi at pampublikong transportasyon, itabi ang inyong opisyal na resibo o electronic statement at isama ito sa form ng kahilingan para sa reimbursement.
Puwedeng ma-reimburse ang mga empleyado para sa hanggang apat na biyahe kada fiscal na taon (Hulyo 1–Hunyo 30) at hanggang $150 kada biyahe. Kung lalampas sa $150 kada biyahe ang mga kahilingan para sa reimbursement, makakatanggap ang kalahok ng hanggang $150 bilang reimbursement para sa mga kuwalipikadong gastos at siya na ang magbabayad ng natitirang gastos sa biyahe.
Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
San Francisco Department of the Environment (SF Environment)
City & County of San Francisco
Telepono: (415) 355-3700
Email: [email protected]
Pinopondohan ng: