I-upgrade ang bahay ninyo gamit ang libreng heat pump water heater (HPWH)!

Dati pa ay nahaharap na ang mga naisasantabing komunidad sa pinakamalalang polusyon sa hangin, mabigat na trapiko, matinding init, at iba pang panganib sa kalikasan. Nagta-transition ang San Francisco mula sa gas patungo sa mga de-kuryenteng appliance para mabawasan ang polusyon sa hangin. Nakatuon ang The Hub na gawing abot-kaya ang transition na ito at kapaki-pakinabang sa mga komunidad na ito. Unang hakbang pa lang ang aming HPWH program.

Mangangalap kami ng hanggang $10,785 na pondo para sa rebate para ganap na mabayaran ang halaga ng pag-upgrade at susuportahan namin kayo sa bawat hakbang na gagawin. 

How it works 

  1. Mag-sign Up. Punan ang form at makikipag-ugnayan ang isang electrification advisor para kumpirmahin na natutugunan ninyo ang mga kinakailangan sa pagiging kuwalipikado at gagabayan kayo sa proseso.
  2. Pagsusuri ng Bahay. Magpadala ng mga larawan ng inyong kasalukuyang water heater at kapaligiran o hilingin na pumunta ang isang miyembro ng team sa inyong bahay para kumuha ng mga larawan.
  3. Pirmahan ang Kasunduan. Pirmahan ang kasunduan sa installer para maisagawa ang libreng proyekto.
  4. Pag-install. Aalisin ang inyong lumang water heater at papalitan ito ng bagong electric water heater, na susundan ng inspeksyon para matiyak na gumagana ito nang maayos.
  5. Tuloy-tuloy na Suporta. Aalamin ng staff ang inyong karanasan sa bagong water heater at tutukuyin kung interesado kayong makatanggap ng mga karagdagang pag-upgrade.

Sino ang kuwalipikado?

  • Kasalukuyang kayong gumagamit ng gas water heater na mahigit 8 taon na ninyong ginagamit.
      
  • Kumikita ang sambahayan ninyo ng 80% ng Area Median Income (AMI) o mas mababa pa. (ibig sabihin, isang sambahayan na may 4 na katao na kumikita nang wala pang $115,300 bawat taon). Tingnan ang buong chart ng pagiging kwalipikado.
    • Hindi kailangan ng patunay ng kita kung makakapagbigay kayo ng mga dokumentong nagpapatunay ng pakikilahok sa mga programa ng tulong sa publiko gaya ng Medi-Cal, SNAP, o CalWorks 

 


Mga benepisyo ng all-electric water heater

Kalusugan
Pinapaganda ng mga heat pump water heater (HPWH) ang kalidad ng hangin sa loob ng bahay dahil hindi sila naglalabas ng mga nakakalasong byproduct (nitrogen oxide, carbon monoxide, o benzene) tulad ng inilalabas ng mga gas water heater. Mayroon din itong mas mababang panganib na magdulot ng sunog o pagsabog.
Klima
Dahil ganap na electric ang mga heat pump water heater, hindi naglalabas ang mga ito ng mga greenhouse gas emission habang ginagamit. Bukod pa rito, 3–5 beses na mas mahusay ang mga HPWH kaysa sa mga tradisyonal na gas water heater, na nagbibigay-daan sa mga ito na maghatid ng parehong dami ng mainit na tubig habang kumokonsumo ng mas kaunting enerhiya.
Savings
Iwasang magbayad mula sa sarili ninyong bulsa para sa susunod ninyong water heater sa pamamagitan ng pagsamantala sa programang ito. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng paggamit ng mga programa tulad ng OhmConnect o FlexSaver, puwede kayong makakuha ng mga cash reward para mabawasan ang inyong paggamit ng enerhiya.

Tungkol sa Hub at Mga Partner

Ang SF Climate Equity Hub ay isang partnership sa pagitan ng SF Environment Department at Bayview Hunters Point Community Advocates. 

Layunin ng Hub na gamitin ang pag-transition sa malinis na enerhiya bilang isang oportunidad na tugunan ang mga hindi pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbuo ng mga programa kung saan nagkakaroon ng pinansyal na benepisyo ang paggamit ng kuryente sa mga komunidad ng EJ. 

Ang layunin? Alisin ang mga greenhouse gas emission sa mga residensyal na gusali habang isinusulong ang pagkakapantay-pantay ng lahi at lipunan, kalusugan, pagpapasigla ng ekonomiya, at katatagan. Kasama sa diskarte ng Hub ang: 

  • Pagtulong sa mga residente na mag-navigate sa mga programang nagbibigay ng incentive at pagkonekta sa kanila sa mga pinagkakatiwalaang contractor. 
  • Pagprotekta sa mga karapatan ng mga nangungupahan.
  • Pagkonekta ng mga manggagawa sa mga programa sa pagsasanay at mga oportunidad sa trabaho.

Bibigyang priyoridad ng Hub ang pagbibigay ng serbisyo sa mga komunidad ng Environmental Justice ng San Francisco, kabilang ang Bayview Hunters Point, Chinatown, Excelsior, Japantown, Mission, Ocean View-Merced Heights-Ingleside, Outer Mission, Potrero Hill, SoMa, Tenderloin, Treasure Island, Visitacion Valley, at Western Addition.

Ang pangmatagalang pag-unlad at tagumpay ng Hub ay ginagabayan ng Advisory Committee, na binubuo ng mga indibidwal na may background sa murang pabahay, aksyon sa klima, mga karapatan ng mga nangungupahan at electrification ng gusali. Tingnan sa ibaba ang buong listahan ng mga nauugnay na organisasyon: 

  • Association for Energy Affordability
  • Bayview Hunters Point Community Advocates
  • Brightline Defense
  • Emerald Cities Collaborative
  • People Organizing to Demand Environmental and Economic Rights (PODER)
  • QuitCarbon
  • San Francisco Bay Physicians for Social Responsibility 
  • San Francisco Housing Development Corporation
  • South of Market Community Action Network (SOMCAN)
  • Sunworks

May mga Tanong? 

 

Makipag-ugnayan sa team ng Climate Equity Hub sa (415)-355-3741